Kalahok ang mahigit 500 personahe mula sa 106 na bansa’t rehiyon, kabilang na ang mga kinatawan ng 208 pangunahing media, ahensya ng gobyerno, at internasyonal na organisasyon, binuksan, Oktubre 14, 2024, sa lunsod Urumqi, kabisera ng Xinjiang Uygur Autonomous Region sa dakong hilagang-kanluran ng Tsina ang Ika-6 na World Media Summit.
Sa seremonya ng pagbubukas, inilabas ang "Urumqi Consensus ng Ika-6 na World Media Summit," at inilathala ng pambansang high-end think tank ng Xinhua News Agency ang ulat na pinamagatang " Responsibility and Mission of News Media in AI Era."
Salin: Ernest
Pulido: Rhio