Ginanap, Oktubre 6, 2024 sa Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina ang artistikong palabas bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Xinjiang Production and Construction Corps (XPCC).
Kasama ng mga mamamayan ng iba’t-ibang lahi at sirkulo, nanood sa palabas si He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Idinispley ng palabas ang mga kapansin-pansing tagumpay ng XPCC nitong nakalipas na pitong dekada, lalo na, ang mga progreso nito sa pagpapalalim ng reporma, pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad, at paghahangad ng modernisasyon, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012.
Dumating, Oktubre 6, ng Urumqi ang isang 24 na miyembrong delegasyong sentral na pinamumunuan ni He, para dumalo sa mga pagdiriwang.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pangalawang Premyer Tsino, bumisita sa lunsod Shihezi ng Xinjiang
Pag-unlad ng Xinjiang, ipinanawagan ng bise premyer ng Tsina
Mas maraming de-kalidad na opisyal para sa Xinjiang, dapat hubugin – pangulong Tsino
Bilang ng mga pasaherong pumasok at lumabas sa Jimunai Port ng Xinjiang, umabot sa mahigit 70,000