Premyer Tsino at Pangulo ng Pakistan, nagtagpo

2024-10-16 13:27:14  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Oktubre 15, 2024 sa Islamabad, Pakistan nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Asif Ali Zardari ng bansa, sinabi ng lider Tsino, na kasama ng Pakistan, nais palakasin ng Tsina ang pagpapalagayan sa mataas na antas, suportahan ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes, at pabutihin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at kultura.

 

Naniniwala rin aniya siyang patuloy at masikap na igagarantiya ng Pakistan ang kaligtasan ng mga mamamayan, bahay-kalakal at proyekto ng Tsina sa bansa.

 

Ipinahayag naman ni Pangulong Zardari, na palaging iginigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina, at kasama ng Tsina, pasusulungin ng Pakistan ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Aniya pa, masikap na igagarantiya ng Pakistan ang kaligtasan ng mga sibilyan, bahay-kalakal at proyekto ng Tsina sa bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio