Isinalaysay, Oktubre 15, 2024 ni Tagapagsalita Wu Qian, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang tungkol sa pagbisita sa Eastern Theater Command ng Peoples Liberation Army (ETC-PLA) ng mga military attaché ng iba't-ibang bansang nakatalaga sa Tsina.
Aniya, sa paanyaya ng kanyang ministri, mahigit 60 military attaché mula sa Pakistan, Singapore, Timog Aprika, Jordan, Britanya, Kazakhstan, Kanada, Argentina, at iba pa ang bumibisita sa ATC-PLA, mula Oktubre 14 hanggang 19, 2024.
Layunin aniya ng pagbisita na masusing maunawaan ang makabagong pag-unlad ng Tsina, kabilang na ang mga tagumpay sa pagtatatag ng hukbong bayan sa bagong panahon, at upang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng PLA at mga hukbo ng naturang mga bansa.
Salin: Yu Linrui
Pulido: Rhio