CMG Komentaryo: Aktibidad ng mga naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan, patuloy at matatag na tutulan ng PLA

2024-10-15 11:17:01  CMG
Share with:

Ini-organisa Oktubre 14, 2024 ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, ang mga tropang panlupa, pandagat, panghimpapawid, at rocket force nito para isagawa ang pagsasanay-militar na tinaguriang ”Joint Sword-2024B” sa Kipot ng Taiwan; at dakong hilaga, timog, at silangan ng nasabing isla.

 

Layon ng pagsasanay na suriin ang kakahayan ng mga tropa sa magkasanib na pakikipagdigma, ipakita ang malakas na deterensya laban sa mga naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan, at igiit ang lehitimong aksyon sa pangangalaga sa pambansang soberanya at unipikasyon ng Tsina.

 

Nauna rito, binigkas ni Lai Ching-te, Lider ng Rehiyon ng Taiwan ng Tsina, sa isang talumpati ang umano’y teorya ng “dalawang estado” at inudyokan ang ostilong komprontasyon sa pagitan ng magkabilang pampang ng Kipot ng Taiwan.

 

Ang aksyon ni Lai ay nakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng Kipot ng Taiwan, at ang di-umanoy paninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” ay hindi nakakabuti sa kapakanan ng mga mamamayan nito.

 

May batas ang Tsina para labanan ang pagkakawatak-watak ng bansa.

 

Kaugnay nito, isa sa mga pangunahing responsibilidad ng PLA ay pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.

 

Kaya ang nasabing pagsasanay-militar ay lehitimo at hindi nakatuon sa normal na pamumuhay ng mga kababayang Taiwanes.

 

Ang isyu ng Taiwan ay nukleong interes ng Tsina, at patuloy at matatag na isasagawa ng PLA ang pagtutol sa aktibidad ng mga naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan.

 

Pangangalagaan ng PLA ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio