Sa pagdalo, Oktubre 16, 2024 sa Islamabad, Pakistan ni Premyer Li Qiang ng Tsina sa Ika-23 Pulong ng Lupon ng mga Puno ng Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), sinabi ng lider Tsino, na matatandaang sa Astana Summit noong nagdaang Hulyo 2024, narating ng mga lider ng mga kasaping bansa ng SCO ang mahalagang komong palagay hinggil sa magkasamang pagtatatag ng komunidad ng SCO na may pagkakaisa, pagtitiwalaan, kapayapaan, kaunlaran, kasaganaan, pagkakaibigan, katarungan at pagkakapantay-pantay.
Kasama ng iba’t-ibang panig, mabisa aniyang isasakatuparan ng Tsina ang nasabing mga komong palagay para pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng SCO.
Maliban diyan, iniharap ni Li ang mga mungkahing kinabibilangan ng pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng estratehiya, pagpapalawak ng aktuwal na kooperasyon, aktibong pagharap sa mga pangunahing hamon at pagpapasulong ng pagpapalagayan ng mga mamamayan.
Pagkatapos ng pulong, isinapubliko ang magkasanib na pahayag.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio