Dahil sa pagharap sa epekto ng bagyo, inanunsyo kamakailan ng White House ang pagpapaliban sa pagdalaw ni Pangulong Joe Biden sa Alemanya at Angola, na nakatakda sanang isagawa sa kalagitnaan ng Oktubre.
Ang pagdalaw sa Angola ay pangakong ginawa ni Biden noong nagdaang mahigit isang taon, pero hindi ito ipinatupad dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Sa kasalukuyan, kulang sa 3 buwan na lang ang natitira sa termino ni Biden, at napakalaking pagbabago ang mangyayari kung ipapatupad ang kanyang plano sa pagbisita sa Aprika.
Sa katunayan, marami nang ginawang pangako ang Amerika sa Aprika, pero walang saysay ang karamihan sa mga ito.
Tinatawag ng Amerika ang sarili bilang “pinakamalaking bansang nagbibigay-saklolo sa labas,” at iba’t-iba ang pangalan ng saklolo nito sa Aprika.
Pero ang pangunahing bahagi ng mga saklolo ay “soft aid” na kinabibilangan ng pagbibigay-pondo sa mga pagsasanay, simposyum, at oraganisasyong di-pampamahalaan, higit sa lahat, pagbibigay-pera sa mga paksyong kontra gobyerno.
Ang ganitong uri ng saklolo ay di-nakakatulong sa katatagan at kaunlaran sa lokalidad, at humahadlang din sa kaayusang panloob ng ilang bansang Aprikano.
Bukod pa riyan, kahit marami ang mga inisyatiba ng Amerika sa pagbibigay-saklolo sa Aprika, kakaunti lamang ang mga bagong nalagdaang proyekto, at ang karamihan sa mga ito ay pag-repackage ng mga inisyatiba at kasunduan nitong nakalipas na ilang taon.
Ang saklolo ng Amerika sa Aprika ay may mas malaking layuning pulitikal kumpara sa layuning ekonomiko, at kulang din ito sa bagong ideya at katapatan.
Ang esensya ng mga pamumuhunan o saklolo ng Amerika sa Aprika ay pulitikal na palabas para sa sariling kapakanan, at panatilihin ang impluwensiya sa kontinente.
Kung ipagpapatuloy ng Amerika ang ganitong kilos, sa bandang huli ay mawawalan ito ng suporta mula sa mga Aprikano.
Salin: Vera
Pulido: Rhio