Kaugnay ng opisyal na pagsasaoperasyon ng organo na itinatag ng rehiyong Taiwan sa Mumbai, Indiya, ipinahayag Oktubre 17, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay iisa lamang sa buong daigdig, at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.
Matatag aniyang tinututulan ng pamahalaang Tsino ang opisyal na pakikipag-ugnayan ng mga bansang karelasyong diplomatiko nito sa rehiyong Taiwan sa anumang porma, na kinabibilangan ng pagtatatag ng organo.
Ani Mao, inilahad na ng Tsina ang solemnang represantasyon sa Indiya.
Ang prinsipyong isang-Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyon ng Tsina at Indiya kaya hinihimok ng Tsina ang Indiya na sundin ang pangako nito, maayos na hawakan ang isyu ng Taiwan, at huwag isagawa ang anumang opisyal na pakikipag-ugnayan sa rehiyong Taiwan sa anumang porma, saad niya pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio