Multilateral na pandaigdigang sistema ng intelektuwal na propieridad, iginigiit ng Tsina

2024-10-20 16:14:56  CMG
Share with:


Sa kanyang mensahe, Oktubre 19, 2024, sa 2024 World Congress ng International Association for the Protection of Intellectual Property (AIPPI), sa Hangzhou, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na lubos niyang pinahahalagahan ang pangangalaga sa intelektuwal na propieridad at aktibong pinapasulong ng Tsina ang pagtatatag ng malakas na bansa sa usaping ito.

 

Natamo aniya ng Tsina ang makasaysayang tagumpay at nabuo ang sariling landas ng pagpapaunlad sa larangan ng karapatan sa intelektuwal na propieridad, kaya, kasama ng lahat ng panig, patuloy aniyang palalakasin ng Tsina ang kooperasyon sa intelektuwal na propieridad.

 

Dagdag niya, matatag ding igigiit ng Tsina ang multilateral na pandaigdigang sistema ng intelektuwal na propieridad, ipagkakaloob ang talino at mga solusyon sa pagbuo ng pandaigdigang kapaligirang makakatulong sa inobasyon, pasusulungin ang pandaigdigang sistema ng pangangasiwa sa intelektuwal na propieridad tungo sa mas makatuwiran at makatarungang direksyon, at itataguyod ang pagbibigay ng mas maraming benepisyo ng intelektuwal na propieridad sa kagalingan ng sangkatauhan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan