Ngayong araw, Abril 26, 2022 ay World Intellectual Property Day.
Ayon sa may kinalamang datos na isinapubliko nitong Abril 24 ng pamahalaang Tsino, noong isang taon, nangunguna ang bilang ng Patent Cooperation Treaty (PCT) ng Tsina sa buong daigdig nitong nagdaang 3 taong singkad. Ang Tsina ngayon ay isang malaking bansang tagapaglikha ng karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) mula sa pagiging malaking bansang nag-aangkat ng IPR.
Ayon sa datos na isinapubliko nitong Abirl 24 ng Pambansang Kawanihan ng IPR ng Tsina, noong isang taon, sa pamamagitan ng PCT, umabot sa 69,500 ang bilang ng mga aplikasyon ng patenteng pandaigdig na isinumite ng mga Chinese applicants. Ito ay nasa unang puwesto sa buong mundo nitong nagdaang 3 taon.
Ayon pa sa “Global Innovation Index Report” na isinapubliko ng World Intellectual Property Organization, noong isang taon, tumaas sa ika-12 puwesto ang ranggo ng Tsina mula ika-22 noong taong 2017 na naging isa sa mga bansa na pinakamabilis na sumulong sa buong daigdig.
Bukod pa riyan, malalimang nakikilahok ang Tsina sa pagsasaayos sa IPR sa daigdig, at aktibo at matatag na pinapasulong ang IPR cooperation sa ilalim ng “Belt and Road” Initiative.
Noong taong 2021, 8,596 ang bilang ng mga isinumiteng aplikasyon ng patente ng mga kompanyang Tsino sa mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road.” Ito ay mas malaki ng 29.4% kumpara sa taong 2020.
Binigyan din ng positibong puri ng komunidad ng daigdig ang nakuhang tagumpay ng Tsina sa usapin ng IPR.
Ipinahayag ng WIPO na patuloy at matatag na tumataas ang ranggo ng Tsina na sumasagisag ng paglilipat ng kayariang heograpikal ng inobasyong pandaigdig sa gawing silangan.
Salin: Lito
Pulido: Mac