Nasa 2 katao, patay sa baha sa New Mexico, Amerika

2024-10-21 15:41:08  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 20, 2024 (lokal na oras) ng awtoridad ng estado ng New Mexico, Amerika, na nasa 2 katao ang nasawi dahil sa malakas na ulang nagdulot ng pagbaha, Oktubre 19 hanggang 20, sa timog-silangang lunsod na Roswell ng nasabing estado.

 

Inilathala ng New Mexico National Guard sa social media, na hanggang sa umaga ng Oktubre 20, hindi bababa sa 290 katao ang kanila nang nailigtas, at halos 40 sa kanila ay dinala sa ospital para sa paglulunas.

 

Patuloy pa rin anila ang gawain ng pagsagip at pagliligtas.

 

Sa pamamagitan ng video na kumakalat sa social media, makikitang malaking pinsala sa maraming bahay at komersyal na ari-arian ang idinulot ng nasabing biglaang pagbaha, at maraming tao ang napilitang manatili sa ibabaw ng mga sasakyang binaha, habang naghihintay ng saklolo.


Salin: Zheng Yujia

Pulido: Rhio