Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University of China, sa 1634 respondente ng mga bansang kasapi ng BRICS, karamihan sa mga ito ay kumakatig sa pagpapasulong ng konstruksyon ng isang mas pantay at makatwirang kaayusang pandaigdig.
Ipinalalagay ng 96.2% ng mga respondente na dapat pantay na lumahok ang mga bansa sa mga suliraning pandaigdig at magkasamang magsikap para itatag ang sistema at kaayusang pandaigdig.
Sinusuportahan ng 72.6% ng mga respondente ang pagsasagawa ng reporma sa kasalukuyang kaayusang pandaigdig, na pangunahing pinangungunahan ng mga mauunlad na bansa.
Kasabay nito, mataas na tinasahan ng mga respondente ng bansang BRICS ang mga ideya ng Tsina sa pag-unlad.
Sinang-ayunan ng 89.4% ng mga respondente na ang pag-unlad ay pangunahing target para sa mga umuunlad na bansa.
Hinangaan din ng 88.6% ng mga respondente ang ideya ng pag-unlad na “people-centered” at ipinalalagay nilang dapat maigarantiya at pabutihin ng mga bansa ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil