Dahil sa maligalig na kalagayan at matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, marami ang nagtatanong, saan tumutungo ang mundo?
May sagot diyan ang BRICS.
Sa bisperas ng 2024 Summit ng BRICS, isang sarbey ang inilunsad ng China Media Group - China Global Television Network ng (CMG-CGTN), kung saan makikita ang saloobin ng mga respondiyenteng pandaigdig hinggil sa papel na ginagampanan ng BRICS sa pagbibigay ng lakas-panulak sa matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at masalimuot na pangangasiwang pandaigdig.
Nananalig ang higit 92.8% ng mga respondiyente na pinapasulong ng nasabing mekanismo ang kooperasyon sa pagitan ng “Global South.”
Naramdaman naman ng 94.2% ang tuluy-tuloy na paglawak ng impluwensya ng mekanismo ng BRICS, samantalang 94.1% naman ang naniniwala, na bilang isang multilateral na mekanismo ng kooperasyong binubuo ng mga bagong sibol na ekonomiya, maaaring patingkarin ng BRICS ang mas maraming lakas-panulak sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Inilabas ang nasabing sarbey sa mga plataporma ng CGTN sa wikang Ingles, Espanyo, Arabe, Pranses, at Ruso.
Sa loob ng 24 oras, sumali at nagbahagi ng kani-kanilang kuru-kuro ang 18,961 netizen mula sa iba’t-ibang bansa ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio