Produksyong industriyal ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng 2024, matatag na lumago

2024-10-23 16:48:00  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina Miyerkules, Oktubre 23, 2024, lumago ng 5.8% ang value-added industrial output ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng taong ito.

 

Matatag ang takbo ng kabuhayang industriyal ng Tsina, at matibay na sumusulong ang de-kalidad na pag-unlad, anang ministri.

 

Inihayag ni Zhao Zhiguo, Tagapagsalita ng nasabing ministri na sa susunod na hakbang, malalimang pasusulungin ng bansa ang matatag na paglago ng 10 pangunahing industriya at konstruksyon ng mahahalagang proyekto ng ika-14 na panlimahang taong plano sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan.

 

Pag-iibayuhin din ang sigasig sa mga aspektong kinabibilangan ng pagpapatatag ng paglago, pagpapalawak ng pangangailangan, pagdaragdag ng lakas-panulak, at pagpapabuti ng kapaligiran, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil