Pransya, muling nanawagan ng tigil-putukan sa Lebanon

2024-10-25 15:11:58  CMG
Share with:

Muling nanawagan, Oktubre 24, 2024 si Emmanuel Macron, Presidente ng Pransya, ng tigil-putukan sa Lebanon, sa pagbubukas ng International Conference in Support of Lebanon's People at Sovereignty sa Paris.

 

Hinimok din ng mga dumalo sa kumperensya ang lahat ng partido sa kaguluhan sa Lebanon na itigil ang putukan at lutasin ang krisis sa pamamagitan ng pamamaraang pulitikal.

 

Sinabi naman ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Pransya na sinusuportahan ng United Nations (UN) ang kumperensyang ito at 70 imbitadong bansa at rehiyon ang nagpadala ng mga kinatawan para lumahok. Sa kabuuan, nakalikom ng US$1 bilyon para sa Lebanon, kung saan US$800 milyon ay para sa makataong tulong, at US$200 milyon ang ginamit para suportahan ang pagtatayo ng hukbong sandatahan ng Lebanon.

 

Salin: Yu Linrui


Pulido: Ramil