Pangulo ng Cuba, nakipagtagpo sa mataas na opisyal ng CPC

2024-10-25 16:39:55  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Oktubre 22, 2024 sa Habana, Cuba si Miguel Díaz-Canel Bermúdez, Pangulo ng bansang ito at Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba, kay Li Shulei, Miyembro ng Pulibturo at Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).


Si Li ay nasa Cuba para dumalo sa ika-6 na simposyum ng dalawang partido sa teorya.


Sinabi ni Li na kasama ng Cuba, nakahanda ang Tsina na isakatuparan ang mahalagang komong palagay ng kataas-taasang lider ng dalawang bansa at partido para palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan at palawakin ang mapagkaibigang kooperasyon.


Mataas na tinasahan naman ni Díaz-Canel ang relasyon ng dalawang bansa at partido.


Ipinahayag niyang dapat pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa at partido.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil