Idinaos, Oktubre 24, 2024 sa Qingdao, lunsod ng lalawigang Shandong sa silangang Tsina, ang 2024 Global Ocean Development Forum, na nagtipon ng 667 kinatawan mula sa mga organisasyong pandagat, unibersidad, negosyo at institusyong pananaliksik mula sa 41 bansa at rehiyon. Ang kaganapan at pinagsamang online at offline na partisipasyon, ay naglalayong mapalakas ang internasyonal na kooperasyon sa pandagat na ekonomiya, teknolohiya, at ekolohiya.
Sa seremonya ng pagbubukas, inilabas ang 2024 China Ocean Development Index Report at 2024 Ocean Development Forum Qingdao Initiative.
Ang 2024 China Ocean Development Index Report ay nagbibigay ng komprehensibong mga bilang ng pagtasa sa pag-unlad na pandagat ng Tsina nitong nakalipas na ilang panahon, na sumasaklaw sa mga aspeto tulad ng ekonomikong buhay, inobasyong teknolohikal, kapaligirang ekolohikal, paggamit ng mapagkukunan, kalagayan ng pagbubukas, at komprehensibong pamamahala.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Ramil