Ika-17 pagsasanggunian sa suliraning pandagat, idinaos ng Tsina at Hapon

2024-10-24 11:10:31  CMG
Share with:

Idinaos, Oktubre 23, 2024 sa Tokyo, Hapon ang ika-17 pulong ng mataas na mekanismo ng pagsasanggunian ng Tsina at Hapon sa mga suliraning pandagat.

 

Matapat at malalim na tinalakay ng dalawang panig ang mga suliraning may kinalaman sa dagat.

 

Kasunod ng paglalahad ng panig Tsino sa mga paninindigan sa isyu ng East China Sea, Diaoyu Dao, South China Sea at Taiwan Strait, hinimok nito ang Hapon na igalang ang soberanya, teritoryo at pagkabahala sa usapin ng seguridad upang mapabuti ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Samantala, sumang-ayon naman ang dalawang panig sa pagpapanatili ng matatag na pag-uugnayan sa mga suliraning pandagat, maayos na pangangasiwa sa mga hidwaan, at pagpapalalim ng aktuwal na kooperasyon.

 

Dumalo sa pulong ang mga departamento ng dalawang bansa na may kinalaman sa mga suliraning pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio