Sa pambansang pulong sa usaping sibil ng Tsina, Oktubre 25 at 26, 2024 sa Beijing, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang atas ni Pangulong Xi Jinping ng bansa kaugnay sa mga usaping sibil.
Hiniling ni Xi sa lahat ng may kaugnayang departamento, na palakasin ang mga inklusibong serbisyong pampubliko para sa mga mamamayan.
Kasabay ng pagpuri sa mga progresong natamo ng Tsina sa lahat ng aspekto ng usaping sibil nitong ilang taong nakalipas, sinabi niyang batay sa ideyang “mamamayan muna,” dapat nakatuon ang serbisyo-publiko sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, at nakakatulong sa paglutas ng mga pinaka-praktikal na problemang may kinalaman sa pinakamalaki at pinaka-direktang kapakanan ng mga mamamayan.
Hiniling din niya sa mga departamento ng usaping sibil, na pasulungin ang pagpapatupad ng proaktibong pambansang estratehiyang nakatuon sa pagtanda ng populasyon; at pagpapabuti sa mga programa sa saklolong panlipunan, kagalingang panlipunan, suliraning panlipunan, at pangangasiwang panlipunan.
Kailangang aktibo dagdagan ng mga departamento ng usaping sibil ang benepisyo para sa mga mamamayan, tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, at tulungan ang mga mamamayan sa pagharap sa mga kahirapan, dagdag niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan