Paglalala ng tensyon sa Gitnang Silangan, ikinababahala ng UN

2024-10-27 16:47:25  CMG
Share with:


Pagkaraang ilunsad, Oktubre 26, 2024, ng Israel Defense Forces (IDF) ang atakeng panghimpapawid sa mga target sa Iran, ipinahayag nang araw ring iyon ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang lubos na pagkabahala sa ibayo paglalala ng tensyon sa Gitnang Silangan.

 

Dagdag niya, dapat kondenahin ang lahat ng aksyong humahantong sa paglala ng tensyon.

 

Muli ring nanawagan si Guterres sa iba’t-ibang panig, na itigil ang lahat ng operasyong militar na kinabibilangan ng mga operasyon sa Gaza Strip at Lebanon; masikap na iwasan ang pagkakaroon ng komprehensibong rehiyonal na digmaan; at bumalik sa landas ng diplomatikong talastasan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan