Ipinahayag ngayong araw, Oktubre 28, 2024 ng Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na maliban sa pakikipagsanggunian sa pamahalaang Tsino, ang hiwalay na talastasan ng Unyong Europeo (EU) sa mga kompanyang Tsino hinggil sa presyo ng mga de-kuryenteng sasakyan, ay makakapinsala sa pagtitiwalaan sa isa’t-isa at proseso ng kasalukuyang pagsasanggunian.
Saad ng tagapagsalita, ang pagsasanggunian ng dalawang panig ay nasa ikalawang yugto at umaasa ang panig Tsino, na batay sa kasalukuyang balangkas, pabibilisin ng dalawang panig ang pagsasanggunian para matamo ang substansyal na progreso sa lalong madaling panahon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Wang Yi, hinimok ang Pransya na pasulungin ang positibong relasyong ekonomiko ng Tsina at EU
Matatag at positibong relasyon sa EU, handang patibayin ng Tsina
Konstruktibong konsultasyon sa taripa ng EV, isinagawa ng Tsina at EU
Pagpapataw ng anti-subsidy tax sa mga EV na gawa ng Tsina, tinututulan ng panig Tsino