Pulong ng CPC sa pagsusuri ng ulat sa disiplinaryong inspeksyon, pinanguluhan ni Xi Jinping

2024-10-28 16:50:48  CMG
Share with:

Idinaos Lunes, Oktubre 28, 2024 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong, para suriin ang ulat ng ika-3 disiplinaryong inspeksyon na inilunsad ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC.

 

Tinukoy rito, na ipinakikita ng resulta ng kasalukuyang inspeksyon, na mabuti sa kabuuan ang takbo ng mga departamento ng partido at estado, at mga institusyong pinansyal sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang sentral, pero nangingibabaw pa rin ang ilang problema.

 

Inihayag sa pulong na kailangang pahalagahan ang mga isyung natuklasan sa proseso ng inspeksyon, at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad, sa pamamagitan ng mabisang pagsasa-ayos.

 

Napagkasunduan din dito, na kailangang palakasin ng mga komite ng Partido sa iba’t-ibang antas ang pulitikal na responsibilidad sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin, paglulunsad ng mabisang aksyon para harapin ang mga hamon, pagpapatupad ng mga tungkulin sa reporma, at pagpigil sa mga panganib sa mga pangunahing larangan.

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ang nasabing pulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio