Sa ika-17 group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kahapon, Oktubre 28, 2024 sa Beijing, idiniin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na dapat igiit ang estratehikong target ng pagiging malakas na bansang kultural sa taong 2035 at pasulungin ang konstruksyon ng kulturang sosyalista na may katangiang Tsino sa makabagong panahon.
Aniya, ang konstruksyon ng malakas na bansang kultural ay komong tungkulin ng CPC at lipunang Tsino.
Tinukoy niya na sapul noong ika-18 sesyon ng CPC, inilagay sa mahalagang katayuan ng CPC ang konstruksyong kultural at isinagawa ang mga mahalagang pagdedeploy.
Saad pa ni Xi na dapat pataasin ang kakayahan ng bansa at impluwensya ng kulturang Tsino at pasulungin ang muling pagtatatag ng kaayusang pandaigdig sa komunikasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil