Shenzhou-19 crew para sa misyon ng space station, inilabas

2024-10-29 16:17:20  CMG
Share with:

Ipinahayag Oktubre 29, 2024, ng China Manned Space Agency na ang tatlong taikonauts na sina Cai Xuzhe, Song Lingdong at Wang Haoze, ay magsasagawa ng Shenzhou-19 crewed spaceflight mission, at si Cai ang magiging komander nito.

 


Ayon kay Lin Xiqiang, tagapagsalita ng nasabing ahensya, nakatakdang ilunsad 4:27 a.m., Miyerkules (Beijing Time) ang Shenzhou-19 crewed spaceship mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang-kanluran ng Tsina.