Nagpadala ngayong araw, Oktubre 29, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya bilang pagbati sa kanyang ika-20 anibersaryo ng koronasyon.
Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na palagiang iginigiit ni Haring Sihamoni ang pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya.
Idiniin ni Xi na pinahahalagahan niya ang relasyon ng dalawang bansa at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Haring Sihamoni para pasulungin pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil