Dami ng namatay na Palenstinian, lumampas sa 43,000 habang nagpapatuloy ang labanan sa Israel-Hezbollah

2024-10-29 16:19:13  CMG
Share with:

Dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza Strip, lumampas Oktubre 28, 2024, sa 43,000 ang dami ng namatay na Palestinian.

 

Samantala, patuloy na inatake ng Israel ang iba’t-ibang lugar ng Lebanon na ikinamatay ng di-kukulangin sa 2,710 katao sapul nang sumiklab ang bakbakan ng Hezbollah-Israeli noong Oktubre ng nakaraang taon.

 

Sa isa pang pahayag, sinabi ng awtoridad ng kalusuguan sa Gaza na sa nakalipas na 48 oras, 96 na katao ang pinatay at 277 iba pa ang nasugatan ng puwersang militar ng Israel sa Gaza Strip.

 

Bunsod nito, umabot sa 43,020 ang kabuuang bilang ng mga namatay at 101,110 sugatan sapul nang sumiklab ang bakbakan ng Palestina at Israel noong Oktubre 7, 2023.