Paglulunsad ng Shenzhou-19 manned spacecraft, ganap na tagumpay

2024-10-30 15:31:29  CMG
Share with:

Matagumpay na inilunsad sa kalawakan, Oktubre 30, 2024, ng Tsina ang Shenzhou-19 manned spacecraft, at ang mga tripulante nito ay nasa mabuting kalagayan.

 

Kabilang sa mga astronaut ay sina: Cai Xuzhe, Song Lingdong at Wang Haoze.

 

Sina Song at Wang ay pawang ipinanganak noong dekada 90, at ito ang kanilang unang misyon sa kalawakan.

 

Ayon sa China Manned Space Engineering Office, matapos dumating sa nakatakdang ligiran o orbita ang nasabing sasakyang pangkalawakan, isasagawa nito ang awtonomo at mabilis na pakikipaghugpong sa istasyong pangkalawakan ng Tsina alinsunod sa naunang tukoy na pamamaraan.

 

Papalitan ng mga tripulante ng Shenzhou-19 ang mga tripulante ng Shenzhou-18 na kasalukuyang nasa istasyong pangkalawakan.

 

Isasagwa rin ng mga tripulante ng Shenzhou-19 ang maraming aktibidad sa labas ng cabin.


Salin: Lei Bidan

Pulido: Rhio