Higit 250 trilyong RMB, panlabas na lohistika ng Tsina sa unang 3 kuwarter ng 2024

2024-10-31 15:50:53  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP), Oktubre 31, 2024, umabot sa 258.2 trilyong yuan Renminbi ang kabuuang halaga ng panlabas na lohistika ng bansa sa unang tatlong kuwarter ng taong ito, at ito ay lumaki ng 5.6% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kabilang dito, 13.4 trilyong yuan ang kabuuang gastos ng panlabas na lohistika noong unang tatlong kuwarter, na lumago ng 2.3%.

 

Samantala, 10 trilyong yuan ang kabuuang kita ng industriya ng lohistika, na tumaas ng 3.7%, at ito ay kapareho ng bahagdan ng paglaki sa unang hati ng taong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio