CMG Komentaryo: Ano ang kukunin ng Pilipinas mula sa Amerika?

2024-11-01 16:01:39  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag kamakailan ng Pasuguan ng Amerika sa Pilipinas, ipagkakaloob ng Amerika ang 8 milyong dolyares na pondo, upang tulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) na isagawa ang modernisasyon at pag-a-upgrade.

 

Tila, ito ang pakinabang na kinuha ng Pilipinas, dahil sa pakikipagkoordina sa pagsulsol ng umano’y “estratehiyang Indo-Pasipiko” ng Amerika ng kaguluhan sa South China Sea (SCS). Sa katunayan, magiging mas malaki ang kabayaran ng Pilipinas.

 

Matatandaang noong katapusan ng nagdaang Hulyo, inanunsyo ng Amerika ang pagkakaloob ng 500 milyong dolyares na saklolong militar sa Pilipinas.

 

Mukhang ibinigay ng Amerika ang takdang suportang pondo sa Pilipinas, kung saan tinukoy ng maraming tagapag-analisa na ito ay posibleng pangako sa bibig lamang na hindi ipapatupad sa katotohanan.

 

Anila, mas malaki kaysa aktuwal na gugulin ang nagsasagisag na katuturan nito, at ang Amerika ay siyang makikinabang sa bandang huli.

 

Sa katunayan, hindi lihim ang paglaan ng Amerika ng tulong na pondo at pagpukaw ng digmaan bilang kapalit ng napakalaking pakinabang.

 

Sa ilalim ng ganitong modelo, umabot sa 238 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa labas noong 2023, na pinakamataas sa kasaysayan, at ang sagupaan, kaguluhan, pagwatak-watak at komprontasyon ay idinulot nito sa mga kaukulang bansa.

 

Sa kasalukuyan, kinokopya ng Amerika ang modelong ito sa Pilipinas, at isinasangkot ang Pilipinas sa alitan sa SCS, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting pakinabang sa Pilipinas, bagay na inilagay ang Pilipinas sa frontline o pambungad ng hegemonyang Amerikano.

 

Kung laging bulag na susundin ng pamahalaang Pilipino ang estratehiya ng Amerika, hindi lamang ito mawawalan ng pagsasarili at kalayaan at magiging sakripisyo sa kompetisyon ng malalaking bansa, kundi magpapasidhi rin ng kontradiksyon sa loob ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil