Pagbabayad ng mga kompanya para sa paggamit ng diyenetikong impormasyon, sinang-ayunan ng UN Nature Summit

2024-11-03 19:48:07  CMG
Share with:


Sa Nature Summit ng Ika-16 na Kumperensya ng mga Panig sa United Nations Convention on Biological Diversity (UN COP16), Nobyembre 2, 2024, sa Cali, Colombia, sumang-ayon ang halos 200 kalahok na bansa, na kailangang magbayad ang mga kompanya sa mga sektor na gaya ng parmasya at kosmetiko, kaugnay ng kanilang pananaliksik at pagdedebelop ng mga diyenetikong impormasyong kinuha mula sa kalikasan.

 

Ginawa ang desisyong ito, pagkaraang talakayin ng mga kalahok ang tungkol sa pagpapatupad ng 2022 Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework Agreement, na naglalayong ihinto ang mabilis na paghina ng kalikasan, bago mag-taong 2030.

 

Sa pamamagitan ng nasabing hakbangin, makokolekta ang bilyun-bilyong dolyares na ilalagay sa isang bagong tatag na pondo para sa konserbasyon ng kalikasan.

 

Sa kasalukuyan, ginagamit ang mga diyenetikong datos mula sa kalikasan sa maraming uri ng produkto, na gaya ng palay na may masaganang nutrisyon, pagpapakupas sa maong na pantalon gamit ang mga enzyme mula sa mikrobyo, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan