Bukas na kooperasyon, igigiit ng Tsina’t Espanya—MOFA

2024-02-21 15:05:05  CMG
Share with:

Ipinahayag, Pebrereo 20, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na narating ng pagdalaw ni Ministrong Panlabas Wang Yi sa Espanya ang inaasahang pakay.

 

Hinggil dito, inulit aniya ng dalawang bansa ang patuloy na paggigiit ng bukas na kooperasyon.

 

Ani Mao, ang Tsina at Espanya ay komprehensibong estratehikong magkatuwang, at ipinakikita ng pagdalaw ni Wang ang katatagan ng relasyon ng dalawang bansa, prospek ng bukas na kooperasyon, at pagpapa-unlad at pagpapalalim ng pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa.

 

Ang 2023 ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya.

 

Kaugnay nito, magkasamang nilagom nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya ang mga karanasan sa pangmatalagang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at iniharap ang plano para sa pangmatagalang pag-unlad ng bilateral na relasyon.


Ani Mao, layon ng pagdalaw ni Wang sa Espanya na isakatuparan ang mahalagang komong palagay ng lider ng dalawang bansa at likhain ang magandang bagong simula sa relasyon ng dalawang bansa sa susunod na 50 taon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio