Kinatagpo Lunes, Pebrero 19, 2024 sa Zarzuela Palace ni Haring Felipe VI ng Espanya si dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Saad ng Haring Espanyo, makahulugan ang magandang relasyon sa Tsina para sa Espanya, Europa at buong mundo.
Handa aniya ang Espanya na galugarin ang mas maraming makabagong larangan ng kooperasyon sa Tsina.
Umaasa rin si Felipe VI na bilang isang malaking bansa, ibayo pang gagampanan ng Tsina ang positibong impluwensiya nito, upang palamigin ang mga tensyon, at patingkarin ang katatagan sa ligalig na daigdig.
Pinasalamatan naman ni Wang ang mapagkaibigang polisya sa Tsina ng maharlikang pamilya ng Espanya.
Nakahanda ang Tsina na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Espanya, at pasulungin ang tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon, dagdag ni Wang.
Diin niya, ang pag-unlad ng Tsina ay puwersang tagapagpasulong sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Kasama ng Espanya, handa aniya ang Tsina na pasulungin ang diyalogo’t kooperasyon ng iba’ t ibag bansa, buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at mas mainam na harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil