Sa kanyang sagot na liham sa mga miyembro ng isang grassroots lecture program sa lunsod Shanghai, gawing Silangan ng Tsina, inenkorahe sila ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na aktibong makisangkot sa pagpapaunlad at pamamahala ng lunsod tungo sa pagtatatag ng may harmonyang magandang lunsod.
Ani Xi, ang nasabing programa ay mahalagang paraan ng pagbabalik-tanaw sa mga historikal na kaganapan, pagpapaliwanag sa mga bagong teorya ng Partido at pagbabahagi ng positibong pagbabago ng lunsod sa mga residente sa pamamagitan ng pagsasama ng leksyon at personal na karanasan ng mga tagapagbigay ng leksyon.
Binigyan-diin niyang kailangang itatag ang lunsod ng mga mamamayan at para sa mga mamamayan.
Nanawagan din siya sa mga miyembro ng programa na pasiglahin ang damdamin ng mas maraming tao para tanggapin nila ang konsepto ng isang lunsod na ang orientasyon ay nakasentro sa mga mamamayan.
Ang pangunahing gawain ng naturang programa ay pagkakaloob ng leksyon sa mga residente ng lunsod hinggil sa bagong teorya ng Partido, konsepto ng lunsod na nakasentro sa mga mamamayan, at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Frank