Koneksyon ng Internet of Things ng Tsina, posibleng lumampas sa 3 bilyon

2024-11-04 16:30:47  CMG
Share with:

Ayon sa white paper na inilabas, Nobyembre 3, 2024 sa 2024 World Internet of Things Convention (WIOTC), may pag-asang lalampas sa 3 bilyon ang bilang ng koneksyon ng Internet of Things (IoT) ng Tsina sa katapusan ng 2024.

 

Ayon pa rito, hanggang katapusan ng nagdaang Hulyo, nasa mahigit 11.9 milyon na ang mobile communication base stations ng Tsina, at hanggang katapusan ng nagdaang Agosto, umabot na sa higit 2.5 bilyon ang mga gumagamit ng IoT end sa bansa.

 

Bukod dito, mayroon ding pag-asang aabot sa 7 trilyong yuan Renminbi ang taunang halaga ng didyital na ekonomiya ng Tsina, dagdag pa ng dokumento.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank