Ipinahayag kahapon, Nobyembre 4, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ika-8 Greater Mekong Subregion (GMS) Summit ay idaraos sa lunsod Kunming ng lalawigang Yunnan ng Tsina mula Nobyembre 6 hanggang 7 at pangunguluhan ito ni Premyer Li Qiang ng bansa.
Saad pa ni Mao, dadalo sa summit na ito ang mga lider ng Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam at Presidente ng Asian Development Bank.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Lito