Idinaos Nobyembre 4, 2024, sa Beijing, nina Wang Yi, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, at Takeo Akiba, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng Pambansang Seguridad ng Hapon, ang konsultasyon sa ilalim ng mekanismo ng mataas na lebel na pampulitikang diyalogo ng Tsina at Hapon.
Wang Yi (R), a member of the Political Bureau of the Communist Party of China (CPC) Central Committee and director of the Office of the Foreign Affairs Commission of the CPC Central Committee, shakes hands with Takeo Akiba, secretary general of Japan's National Security Secretariat, in Beijing, China, November 4, 2024. /Chinese Foreign Ministry
Sinabi ni Wang na ang relasyong Sino-Hapones ay nasa kritikal na yugto ng pag-unlad, dapat sundin ng dalawang panig ang konsesus na narating ng mga lider ng dalawang bansa, igiit ang tumpak na direksyon ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, at bumuo ng isang konstruktibo at matatag na relasyong Sino-Hapones na tumutugon sa mga pangangailangan ng makabagong panahon.
Ani Wang, dapat itatag ng panig Hapones ang obdyektibo at rasyonal na pagkaunawa sa Tsina, at igalang ang pampulitkang pangako nito sa isyu ng Taiwan.
Inulit ng dalawang panig na susundin nila ang mga prinsipyo at konsensus na itinakda sa apat na dokumentong pampulitika sa pagitan ng Tsina at Hapon, at komprehensibong isusulong ang estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan sa pagitan ng dalawang panig, magkakaroon ng kasunduan para panatilihin ang komunikasyon sa mataas na lebel, diyalogo, at pagpapalitan sa iba’t ibang larangan, at ipapadala ang mas maraming positibong senyal sa buong mundo.
Kaugnay ng pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daichi Nuclear Power sa dagat, sinang-ayunan ng dalawang panig na pabilisin ang pag-asikaso at implementasyon ng bilateral na pampulitikang konsensus.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Lito