Han Zheng, nakipagkita sa delegasyon ng Japan Economic Friends Association

2024-11-05 15:03:08  CMG
Share with:

Nakipagkita Nobyembre 4, 2024, sa Beijing si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina sa isang delegasyon mula sa Japan Economic Friends Association.

 

Sinabi ni Han na ang kooperasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan ng Tsina at Hapon ay may magandang pundasyon, at dapat hawakan ng dalawang panig ang potensyal ng kooperasyon para makamit ang mas mataas na antas ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.

 

Aniya, magiging mas malawak ang pagbubukas ng Tsina sa labas, at inaasahan na lubos na patitingkarin ng Japan Economic Friends Association ang sariling bentahe upang mapasulong ang komprehensibo at tumpak na pagkaalam ng mga kompanyang Hapones sa Tsina at samantalahin ang pagkakataon na dulot ng pag-unlad ng Tsina.

 

Ipinahayag naman ng panig Hapones ang kahandaang patuloy na gampanan ang papel nito bilang tulay para patuloy na galugarin ng mga kompanyang Hapones sa Tsin at ibayo pang mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. 


Salin: Lei Bidan

Pulido: Ramil