Bagong tatag na International Mangrove Center sa Tsina, inaasahang magsusulong ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan

2024-11-07 10:47:20  CMG
Share with:

Ipinahayag, Nobyembre 6, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na handa ang kanyang bansa, na gawing plataporma ng pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan ng iba’t-ibang panig ang bagong tatag na International Mangrove Center.


Sa pamamagitan nito, nais aniya ng Tsina, na isulong ang pandaigdigang magkasanib na aksyon sa pangangalaga ng ekosistema ng mga bakawan para sa benepisyo ng sangkatauhan. 


Idinaos nang araw ring iyon sa Shenzhen, lunsod sa dakong timog ng Tsina ang seremonya ng paglagda sa Kasunduan ng Pagtatatag ng International Mangrove Center. Opisyal na pinirmahan ng mga kinatawan mula sa unang pangkat ng mga miyembrong binubuo ng 18 bansa ang naturang kasunduan. Pinasinayaan din nila ang sentro. 



Matatandaang sa seremonya ng pagbubkas ng Ika-14 na Pulong ng Komperensya ng mga Signatoryang Panig ng Kombensyong Ramsar tungkol sa mga Latian noong 2022, iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatayo ng International Mangrove Center sa Shenzhen. 


Layon nitong magsilbing plataporma at bintana para sa magkakasamang pagpapasulong ng proteksyon at makatuwirang paggamit ng mga bakawan sa buong daigdig. 


Makakatulong din ang sentro sa pagtatatag at pagpapalakas ng pandaigdigang mekanismong pangkooperasyon tungkol sa mga ekosistema ng bakawan at coastal blue carbon na nagtatampok sa pagiging bukas, inklusibo at komong kasaganaan. 


Dagdag diyan, suportado ng sentro ang pagpapatupad ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development at pagtatatag ng planetang Mundong may kapayapaan at pakikisalamuha ang sangkataunan at kalikasan. 


Futian Mangrove Nature Reserve, Shenzhen


Salin: Jade 

Pulido: Rhio

Litrato: Xinhua/Shenzhen Municipal Government