Premyer Tsino’t lider ng Myanmar, nagtagpo

2024-11-07 14:55:49  CMG
Share with:

Nakipagtagpo, Nobyembre 6, 2024, sa lunsod Kunming, lalawigang Yunnan, dakong timog-kanluran ng Tsina si Premiyer Li Qiang ng bansa sa lider ng Myanmar na si Min Aung Hlaing.

 

Aniya, handa ang Tsina, na konsolidahin at palakasin ang mutuwal na pampulitikang pagtitiwalaan sa Myanmar, palalimin ang komprehensibong estratehikong kooperasyon, palakasin ang pagtutulungan sa pagtugon sa mga hamon, at itaguyod ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 


Umaasa naman si Min Aung Hlaing, na kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, sa susunod na taon, mapapalalim ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.

 

Magsisikap aniya ang Myanmar upang matiyak ang kaligtasan ng mga institusyon, proyekto at tauhan ng Tsina sa bansa.

 

Si Min Aung Hlaing ay dumating sa Tsina para sa Ika-8 Greater Mekong Subregion Economic Cooperation Leaders' Meeting.


Salin: Zheng Yujia


Pulido: Rhio / Lito