Xi sa lalawigang Hubei: likhain ang sariling kabanata sa modernisasyong Tsino

2024-11-07 16:25:09  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 4 hanggang 6, 2024, naglakbay-suri sa lalawigang Hubei sa gitang Tsina si Pangulong Xi Jinping ng bansa.

 


Sa kanyang inspeksyon sa isang museo sa Yunmeng County, lunsod Xiaogan, tinukoy ni Xi na kailangang patuloy na palakasin ang pananaliksik na arkeolohikal, at pataasin ang lebel ng pangangalaga sa mga relikya, upang ipagkaloob ang matibay na suporta sa pagpapalaganap ng namumukod na tradisyonal na kultura ng Nasyong Tsino, at pagpapalakas ng kompiyansang kultural.

 


Ang pagpapasigla ng kanayuan ay pokus ng paglalakbay-suri ni Xi sa lokalidad.

 


Sa kanya namang inspeksyon sa Jiayu County, lunsod Xianning, ipinagdiinan ni Xi, na ang pagpapaunlad ng modernong agrikultura ay dapat nakabatay sa progreso ng agham at teknolohiya.

 


Aniya, sa proseso ng pagpapasulong sa modernisasyong Tsino, kailangang pabilisin ang pagpapasigla ng kanayunan, at ang pagpapa-unlad ng mga industriyang magpapayaman sa mga magsasaka ay priyoridad.

 


Ang Wuhan Institute of Industrial Innovation and Development ay huling hinto ng kasalukuyang inspeksyon ni Xi.

 


Ipinalalagay niyang ang modernisasyon ng agham at teknolohiya ay susi ng modernisasyong Tsino.

 


Tinukoy niyang kapansin-pansin ang bentahe ng Hubei sa aspeksto ng agham, teknolohiya at talento, kaya kailangang aktibong hangarin ang makabagong tagumpay sa proseso ng inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya at industriya.

 


Kaugnay ng pag-unlad ng Hubei sa hinaharap, inihayag niyang dapat pasulungin ng lalawigan ang inobasyon sa agham, teknolohiya at industriya, komprehensibong palalimin ang reporma, palawakin ang pagbubukas sa mataas na antas, pasulungin ang integradong pag-unlad ng lunsod at nayon at komprehensibong pagpapasigla ng kanayunan, palakasin ang pangangalaga sa yamang kultura, at pasulungin ang inobatibong pag-unlad ng kultura.


Salin: Vera


Pulido: Rhio / Lito