Magkasamang pinanguluhan nina Chen Xiaodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Raja Dato' Nushirwan Bin Zainal Abidin, Pangkalahatang Direktor ng Pambansang Konsehong Panseguriad ng Malaysia ang kauna-unahang bilateral na diyalogo sa pangangasiwa sa mga isyung pandagat ng dalawang bansa, Miyerkules, Oktubre 16, 2024 sa Langkawi, Malaysia.
Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na kinatawan ng mga departamentong pandagat ng dalawang bansa, at binigyan nila ng mataas papuri ang mapagkabigang relasyong Sino-Malay.
Narating din nila ang komong palagay tungkol sa mga kasalukuyang situwasyon at isyung pandagat, at paraan ng pagsusulong ng mga pragmatikong pagtutulungang pandagat.
Salin: Jade
Larawan: MOFA
Pulido: Rhio