Sa kanyang liham na pambati, Nobyembre 7, 2024, sa unang World Conference of Classics, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng magkasamang pagdaraos ng kumperensyang ito at pagtatatag ng Chinese School of Classical Studies sa Athens, itinatag ng Tsina at Gresya ang bagong plataporma ng pagpapalitan at pag-aaral sa sibilisasyon ng isa’t-isa tungo sa pag-unlad ng kapuwa bansa at buong daigdig.
Kasama ng iba’t-ibang panig, magsisikap ang Tsina para isakatuparan ang Global Civilization Initiative, magkakasamang lutasin ang iba’t-ibang hamon na kinakaharap ng sangkatauhan, at pasulungin ang pag-unlad ng sibilisasyon ng sangkatauhan, diin ni Xi.
Sa ilalim ng temang “Classical Civilizations and the Modern World,” idinaos, Nobyembre 7 sa Beijing ang World Conference of Classics.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Lito