Durian Nook ng Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 CIIE, dinadagsa

2024-11-09 12:00:54  CMG
Share with:


Dinadagsa ng mga konsyumer ang “Durian Nook” ng Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE) na kasalakuyang idinaraos mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2024 sa National Exhibition and Convention Center (NECC), lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina.

 

Makikita sa mahabang pilang ito ang mga taong gustong tikman ang Puyat durian na itinuturing pinakamasarap na uri ng durian sa Pilipinas at bida sa eksibisyon ng bansa ngayon taon sa naturang ekspo.

 

Ang masarap na lasa at de-kalidad na Puyat durian ay umaakit din ng mga negosyanteng Tsino sa mga kompanyang Pilipinong nagluluwas ng durian, para hanapin ang potensyal ng pakikipagkalakalan at kooperasyon sa hinaharap.


Mula nakaraang taon, ang mga sariwang durian ng Pilipinas ay nakapasok sa Tsina at patuloy na pumapasok sa merkadong Tsino sa kasalukuyan.

 

 

Ulat/Video: Kulas

Pulido: Ramil