Seremonya ng pagbubukas ng Ika-21 CAExpo, dinaluhan ng pangalawang premyer Tsino

2024-09-25 10:53:51  CMG
Share with:

Setyembre 24, 2024, Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina – Sa kanyang pagdalo’t talumpati sa Ika-21 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), sinabi ni Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina, na kasama ng mga bansang ASEAN, nakahandang patuloy na palalimin ng kanyang bansa ang aktuwal na kooperasyon.

 

Kailangan din aniyang isulong ng dalawang panig ang estratehikong pagtitiwalaan, patatagin ang bukas na kooperasyon, itayo ang bagong estruktura ng konektibidad, palawakin ang pagtutulungan sa teknoloniya’t inobasyon, at ibayo pang palalimin ang pagkaka-unawaan at pagkakaibigan ng mga Tsino at Timog-silangang Asyano.

 

Naghayag din ng talumpati si Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia.

 

Samantala, kabilang sa mga pinunong dumalo sa seremonya ay sina Vongsey Vissoth, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggapan ng Garbinete ng Kambodya; Kikeo Khaykhamphithoune, Pangalawang Punong Ministro ng Laos; Ho Duc Phoc, Pangalawang Puonong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Biyetnam; at Kao Kim Hourn, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio