Tsina, handang makipagtuwang sa Singapore sa modernisasyon – premyer Tsino

2024-10-12 15:38:44  CMG
Share with:

Vientiane, Laos – Sa kanyang pakikipagtagpo, Oktubre 11, 2024 kay Punong Ministro Lawrence Wong ng Singapore sa sidelines ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang kahandaan ng bansa na makipagtuwang sa Singapore, para pasulungin ang kani-kanyang modernisasyon.

 

Aniya, nasa masusing panahon ngayon ang pag-unlad at konstruksyon ng Tsina at Singapore, kaya kasama ng panig Singaporean, nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang multilateral na koordinasyon at kooperasyon, igiit ang pagbubukas at pagbibigayan, matatag na pasulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pabilisin ang proseso ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, at magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Asya.

 


Inihayag naman ni Wong ang kahandaang panatilihin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa Tsina sa mga suliraning pandaigdig at multilateral, magkasamang tutulan ang proteksyonismo, at gawin ang mas malaking ambag sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio