Ding Xuexiang, dadalo sa Ika-21 CAExpo at CABIS

2024-09-24 15:21:24  CMG
Share with:

Ipinahayag Setyembre 23, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo at magtatalumpati Setyembre 24 si Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng bansa sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-21 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

 

Bibigkas ng video speech sa nasabing seremonya si Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia.

 

Samantala, dalalo sa pagtitipon ang iba pang pinuno’t matataas na opisyal ng mga bansang gaya nina Vongsey Vissoth, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, Kikeo Khaykhamphithoune, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, Ho Duc Phoc, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam, at Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na si Kao Kim Hourn.


Salin: Lei Bidan


Pulido: Rhio