Baseline at base point ng teritoryal na dagat sa paligid ng Huangyan Dao, ipinaliwanag ng embahador Tsino sa Pilipinas

2024-11-14 15:47:25  CMG
Share with:

Bilang responde sa pagkakapalabas ng “Philippine Archipelagic Sea Lanes (ASL) Act” at “Philippine Maritime Zones Act,” inilahad Nobyembre 13, 2024, ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang solemnang representasyon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA).

 


Biniyan-diin din ni Huang, na ang pagpapalabas ng pamahalaang Tsino ng baseline at mga base point ng territorial sea sa paligid ng Huangyan Dao ay kinakailangang tugon sa “Philippine Maritime Zones Act,” normal na hakbangin sa pagpapalakas ng pangangasiwa sa dagat alinsunod ng batas, at angkop sa mga pandaigdigang batas at komong gawain.

 

Patuloy aniyang isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ng soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Pilipinas na agarang itigil ang unilateral na aksyon na posibleng magbunsod ng mas malawak na alitan at mas magpahirap sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito