Ipinahayag, Nobyembre 13, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itataguyod ng kanyang bansa ang prinsipyo ng sinseridad, tunay na resulta, pagkakaibigan’t mabuting pakikipamuhayan, paghahangad ng mas malaking kabutihan, pagbabahagi ng benepisyo, upang matugunan ang pangangailangan sa kabuhayan ng mga tao, at gagawing priyoridad ang relasyon sa mga bansa ng Latin Amerika.
Ito aniya ay upang mapalakas ng pakikiisa at kooperasyon sa nasabing mga bansa.
Dagdag ni Lin, sa pakikipagtulungan sa mga bansa ng Latin Amerika, laging inuuna ng Tsina ang mga pangunahing proyekto sa kabuhayan, tulad ng suplay ng tubig sa dalawang lunsod sa Costa Rica.
Ang proyektong ito aniya ay nagbigay ng malinis na tubig-inumin sa halos 40,000 lokal na residente at nagpasigla sa lokal na ekonomiya.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Rhio/Lito