Sa Ika-31 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting, Nobyembre 16, 2024 sa Peru, tatalakayin ng mga lider at mahalagang panauhin ng komersyal na sektor mula sa 21 ekonomiya ng Asya Pasipiko ang mga isyung gaya ng pagpapasulong ng bukas, malaya at may pagbabahaginang kalakalan, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, at pagpapasulong ng pagbabago ng pandaigdigang estruktura ng enerhiya.
Ang Asya Pasipiko ay mahalagang puwersa sa pag-unlad ng daigdig, dahil taglay nito ang sangkatlo ng buong populasyon ng daigdig, 60% ng kabuhayang pandaigdig, at halos kalahati ng bolyum ng kalakalang pandaigdig.
Ang kaunlaran ng Asya Pasipiko ay nagmula sa pangmatalagang katatagan at kapayapaan ng rehiyon at mahalagang ambag ng APEC.
Dahil sa pagsisikap ng APEC, napababa ang karaniwang taripa ng rehiyon at nadoble ang karaniwang kita ng kada tao.
Bukod diyan, nakinabang ang mga pangunahing ekonomiya ng rehiyon sa bukas at kooperatibong kapaligiran na dulot ng APEC.
Sa kabilang dako, kinakaharap ng buong daigdig ang mga hamong gaya ng heopolitikal na komprontasyon, mabagal na pag-unlad ng kabuhayan, at pagsasagawa ng ilang bansa ng grupong komprontasyon.
Taliwas sa gawain ng naturang ilang bansa, palaging iginigiit ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at aktibo nitong pinasusulong ang kooperasyon ng APEC.
Kaugnay nito, ang Tsina ay ang pinakamalaking katuwang sa negosyo ng 13 ekonomiya ng APEC, at umabot sa 64.2% ang contribute rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayan ng Asya Pasipiko.
Ang pagbubukas at kooperasyon ay mahalagang sanhi ng pag-unlad ng rehiyon at tamang landas ng pag-unlad sa hinaharap.
Kaya bilang tugon sa kasalukuyang mga hamong pandaigdig, dapat pangalagaan ng mga ekonomiya ng Asya Pasipiko ang komong kapakanan, katigan ang malayang kalakalan at pamumuhunan, at tutulan ang trade protectionism para malikha ang bagong Ginintuang Panahon sa hinaharap.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Lito