Artikulo ni Xi, inilabas sa media ng Peru

2024-11-14 15:40:26  CMG
Share with:

Kasabay ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Peru, inilabas ngayong araw, Nobyembre 14, 2024 ang kanyang artikulo sa Peruvian Official Newspaper.

 

Sinariwa niya rito ang kasaysayan ng pagpapalitang tao-sa-tao at mabungang kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Aniya pa, aktibong pinasusulong ng Tsina ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino at de-kalidad na pagbubukas sa labas, at ito ay nagkakaloob ng bagong pagkakataon para sa iba’t-ibang bansa ng daigdig na gaya ng Peru.

 

Patuloy aniyang isasagawa ng Tsina ang proyekto ng kooperasyong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Peru, palalakasin ang kooperasyon sa edukasyong bokasyonal, at ie-enkorahe ang mga kompanyang Tsino na lumikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay sa lokalidad.

 

Kasama ng Peru, pasusulungin ang kooperasyon sa kultura, edukasyon, turismo at pagpapasimple ng pagpasok-labas ng mga mamamayan sa kani-kanilang bansa, dagdag pa ni Xi.


Saline: Ernest

Pulido: Rhio/Lito